[source: wikipedia]
Si Cesar Torrente Legaspi [1917-1994], ay pinarangalan bilang isang Pambansang Alagad ng Sining noong 1990, at siyang itinuturing na nagpasimula ng neo-realism sa Pilipinas at nagpaunlad ng cubism sa bansa.
Bilang isa sa Thirteen Moderns at kabilang sa mga naunang Neo-Realist, nagkaroon ng malakas na impluwensiya sa paglago ng cubism sa Pilipinas si Legaspi. Ang mga nilikha niyang social-realist na nagpapakita ng mga pulubi sa siyudad at mga manggagawa ay maituturing na expressionist dahil sa paggamit niya ng gula-gulanit na porma. Ang kanyang mga likha ay hindi lang ilan sa mga naunang gawa na moderno; nakatulong ang mga ito na matanggap ang modernong arte sa Pilipinas.
Siya rin ay naging ilustrador sa magasin at naging artistic director sa ilang ahensiya habang siya ay gumuguhit ng kanyang mga obra.
[source: wikipilipinas]
No comments:
Post a Comment